LEGAZPI CITY- Unti-unti ng bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Dubai matapos ang malawakang mga pagbaha.

Ayon kay Bombo International Correspondent Florencio Fiore na posibleng maibalik na rin sa normal ang biyahe ng mga tren sa naturang lugar. Samantala, ipinagmamalaki naman nito na hanggang sa ibang bansa ay napapanatili pa rin ang pagbabayanihan ng mga Pilipino.

Paliwanag ni Fiore na regular ang monitoring ng mga Filipino community kung may mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

Aniya, nag-organisa ang mga Pilipino ng mga samahan upang maka-ipon ng tulong na ipapaabot sa mga naapektuhan ng naturang kalamidad.

Samantala, ipinagpapasalamat naman nito ang maayos na pagtrato ng pamahalaan sa mga Pilipino sa naturang lugar at hindi nagpapabaya sa pangangailangan nila.