Inihayag ng Department of Health na nakapagtala ng nasa 18,349 na mga kaso ng dengue siula noong Hunyo 30 hanggang Hulyo 13 na mas mataas sa 12,153 cases noong Hunyo 16 hanggang 27.
Tinitingnan na dahil ito sa naranasan na mga pag-ulan sa bansa.
Sa kabila nito ay bumaba naman ang mga binabawian ng buhay dahil sa dengue ngayong taon na nasa 337 kumpara sa 378 deaths sa kaparehong panahon noong 2023.
Ayon sa DOH na posibleng dahil ito sa maraming mga mamamayan ang mas maagang nagpapakonsulta at mas maayos na case management ng mga pagamutan.
Matatandaan na karaniwan sa mga sintomas ng sakit ay mataas na lagnat, pananakit ng ulo at kasukasuan, gayundin ang pagkahilo at pagkakaroon ng rashes.
Batay pa sa tala ng ahensya na ang taunang kaso ay tumaas ng 33% na nasa 128,834 dengue cases ngayong taon kumpara sa 97,211 cases noong 2023.