LEGAZPI CITY—Nakapagtala ng halos pagtriple sa pagbili ng mga bisekleta matapos ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Popcycle Co-founder & CEO Angelo Lacson, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, dumami ang bumibili ng bisekleta ngayong buwan ng Marso dahil sa gastos sa gasolina.

Nagpapakita aniya ito na maraming may mga may-ari ng kotse ang hindi na kayang mapanitili ang car ownership dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa kaya isa itong ‘window’ na kung saan marami ang sumusubok na gumamit ng e-bikes dahil sa krisis at bilang alternatibo sa paggamit ng kotse.

Binigyang-diin niya na kahit bago pa man ang digmaan sa Gitnang Silangan ay hindi umaas ang presyo ng kanilang mga bisikleta at e-bikes, ngunit hindi niya isinasantabi na tumaas ito dahil sa krisis at pagmahal ng mga bilihin.

Dagdag pa ni Lacson na kahit pa tumaas ang presyo ng mga e-bikes, isa pa rin ito sa mga mas praktikal na pagpipilian at investment ng isang tao.

Samantala, nanawagan din siya sa gobyerno na kumilos na para sa episyenteng public transport gayundin ang pagsuporta sa active transport sa bansa.