Natapos na rin ang kampanya ni fencer Maxine Esteban sa 2024 Paris Olympics.

Ito ay kasunod ng pagkatalo niya laban kay Pauline Ranvier ng France.

Matatandaan na si Maxine ay dating nagre-representa ng Pilipinas subalit lumipat na sa Cote d’Ivoire.

Nakatanggap na si Esteban ng first-round bye kaya nakausad ito sa Table of 32 subalit nabigo sa laban kay world no. 15 Ranvier.

Matatandaan na umalis si Esteban sa Philippine Fencing Association noong 2023 dahil sa ilang issues.