Naging maaksyon ang tatlong rounds ng exhibition match ni Pambansang kamao Manny Pacquiao laban kay Japanese kickboxer Rukiya Anpo.

Maagang ipinakita ni Pacman ang kaniyang trademark punches subalit sinabayan ito ni Anpo.

Dahil mas matangkad ang Japanese fighter ay nahirapan rin si Pacquiao na makalapit at magpakawala ng mga suntok.

Ang naturang laban ay nagtampok lamang ng tatlong rounds at magdedeklara lamang ng panalo kung magkakaroon ng stoppage.

Sa pagtatapos ng laban ay nagpasalamat si Pacquiao sa magandang laban at pinuri pa si Anpo na maaari umanong maging professional boxer.

Nagpasalamat rin si Pacquiao sa mga Japanese fans na nanood ng laban sa Saitama Super Arena sa Japan.