LEGAZPI CITY- Nasa 203 na mga persons deprived of liberty sa lalawigan ng Albay ang naiparehistro sa pamamagitan ng special voter’s registration upang makaboto sa 2025 elections.
Ayon kay Commission on Elections Albay Supervisor Atty. Maria Aurea Bo-Bunao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa Tabaco City Jail nasa 60 ang nakapagparehistro habang sa Sto. Domingo Jail nasa 15 PDLs ang nagparehistro.
Sa Ligao City Jail naman ay umabot na sampu ang nagparehistro, at tig-28 sa Legazpi City Jail at Daraga Jail habang siyam sa Oas, 34 sa Polangui at sampu rin sa Pio Duran.
Iginiit ng opisyal na habang pending pa ang kaso ng naturang mga indibidwal ay may karapatan pa rin ang mga ito na makaboto at makalahok sa halalan.
Kung dati naman ay pangulo, pangalawang pangulo at mga senador lamang ang maaaring iboto ng mga persons deprived of liberty ay mas pinalawak na ang sakop sa kasalukuyan.
Sinabi ni Atty. Bo-Bunao na maaari na umanong maka boto ang mga ito para sa local officials.
Ayon sa opisyal na nangangahulugan ito ng inclusivity na walang pigpipili ang komisyon sa pagbibigay ng kanilang serbisyo ay paghikayat sa lahat na maliisa sa halalan.