LEGAZPI CITY – Arestado na ang magsasakang suspek sa pananaga sa mag-ina sa Sitio Cabugao, Brgy. Ki-Romero, San Pascual, Masbate.
Kinilala ang suspek na si Felipe Rosaciña, 58-anyos na residente ng naturang lugar.
Sa impormasyon mula sa Masbate Police Provincial Office, bigla na lang na pinagtataga ng suspek ang mag-ina na sina Praxedes Rosales, 60-anyos at Praxedio Rosales, 25-anyos habang nakaupo sa balkonahe ng kanilang bahay.
Parehong nagtamo ng matinding tama ang dalawa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Agad namang tumakas ang suspek matapos ang ginawang krimen, subalit kinaluanan ay naaresto rin sa isinagawang hot pursuit operation ng kapulisan sa tulong ng barangay officials.
Inamin naman ng suspek ang ginawang krimen, na sa kasalukayan ay nasa kostudiya na ng San Pascual Municipal Police Station para sa kakaharaping kaso.
Samantala, inilagay sa ICU ang ina dahil sa kritikal na kalagayan habang si Praxedio ay nasa stable ng kondisyon.