LEGAZPI CITY – Naitala ang Magnitude 3.0 na lindol na lalawigan ng Catanduanes, dakong alas-7:55 ngayong umaga.
Namataan ang sentro ng pagyanig sa layong 12 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Pandan.
May lalim itong 22 kilometro at tectonic in origin.
Samantala, wala namang inaasahang pinsala at kasunod na aftershocks matapos ang lindol.