LEGAZPI CITY- Niyanig ng magnitude 2.0 na lindol ang San Fernando, Masbate kaninang alas-5:04 ng umaga.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, may lalim itong 29km.

Tectonic ang pinagmulan ng naturang pagyanig.

Samantala, wala namang inaasahan na anumang aftershocks kasunod ng insidente.

Hindi rin ito nag-iwan ng anumang pinsala sa lugar.