A 75-year-old grandmother was found dead in her house in Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur after she was killed while she was supposed to get a massage at around 11:30 p.m., April 3.

Natagpuang patay ang isang 75-taong-gulang na lola sa kanyang bahay sa Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur matapos itong mapatay nang magpapamasahe sana sa kaniya bandang alas-11:30 ng gabi, Abril 3.

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang biktima ay kinilalang si Lola Tina, habang ang suspek ay kinilalang si “Alyas Atan” na residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa apo ng biktima, dumating ang suspek na lasing at humingi ng masahe.

Umalis sandali ang apo para bumili ng kung ano, ngunit pagbalik niya, natagpuan niya ang kaniyang lola na patay na at naliligo sa sarili nitong dugo dahil sa pananaksak.

Tumakas ang suspek sa pinangyarihan at patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya.