LEGAZPI CITY- Isinasapinal na ng bayan ng Camalig ang planong pagiging paperless ng Data Management ng bayan.
Ayon kay Camalig local government unit spokesperson Tim Florece sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakikipagtulungan sila ngayon sa Mayon Tech para sa naturang plano.
Ang data management system ng bayan ay hindi lamang magiging storage ng digital data kundi magiging daan rin sa pagpapabulis ng operasyon at proseso para sa serbisyo publiko.
Paliwanag ng opisyal na sa pamamagitan nito ay mas mapapagaan ang trabaho ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at maibibigay rin ang convenience sa publiko.
Sakaling maisakatuparan na ay unang sisimulan ang paperless system sa Municipal Civil Registrar na nangangasiwa sa maraming mga papeles at data ng mga mamamayan sa lugar.
Dagdag pa ni Florece na makakatulong rin ang hakbang para sa ease of doing business ng lokal na pamahalaan.