LEGAZPI CITY-Ipinaliwanag ng isang abogado na normal lamang ang proseso ng pag-piyansa ni Vice President Sara Duterte noong Setyembre 5, 2026.

Gayunpaman, binigyang-diin niya na mahirap magpiyansa sa korte tuwing Sabado at Linggo.

Ayon sa Influencer Lawyer na si Atty. Don Carlo Ybañez, sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, sinabi niyang walang “personal special treatment” dahil hindi na kailangan ng mugshot lalo na kung kusang-loob na nagpiyansa ang akusado at ang kasong isinampa ay may inirerekomendang piyansa.

Idinagdag niya na ang pag-isyu ng mugshot ay nangyayari lamang kapag ang pag-aresto ay hindi kusang-loob at ang kaso ay hindi maaaring piyansahan o walang oras para magpiyansa.

Sinabi rin niya na natural lamang ito at walang problema sa proseso ngunit, posible na mayroong ‘special treatment’ sa kanyang piyansa noong Sabado dahil may kahirapan na makapag-piyansa tuwing weekend.

Bagama’t may direktiba ang mga korte na kailangan ang skeletal force para makapagpiyansa sa mga panahong ito, lalo na’t kung sarado ang korte kaya posible itong ipatupad sa ibang hurisdiksyon.

Aniya, mahirap makapag-piyansa tuwing weekend, dahil sa mga problema tulad ng kawalan ng pipirm, o kaya naman ay napakaraming kinakailangang requirements.

Pinaalalahanan din ni Ybañez ang publiko na pag-aralan ang batas bago magbigay ng mga komento o personal na opinyon.