Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang pinakamalaking hydroelectric dam ng Ukraine na Dnipro Hydroelectric Power Plant.

Kasunod ito ng isinagawang strike ng Russia sa mga key energy facilities kan Ukraine.

Ayon kay Zaporizhzhia region military administration head Ivan Fedorov na hindi na kayang mag-produce ng electricity o kuryente ng naturang power plant.

Sunod-sunod ang isinagawnag pag-atake ng Russia sa naturang mga pasilidad ng Ukraine noong nakaraang linggo.

Dahil dito nagbabala ang Ukrainian Ministry of Energy ng malawakang power shortage dahil sa pagkasira ng naturang planta.

Nagsagawa na ng emergency blackouts sa ilang rehiyon ng Ukraine matapos ang anim na magkakasunod na pag-atake ng Russia.