LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng isang barangay official sa Bombo Radyo Legazpi na residente ng Brgy. Bañadero, Daraga, Albay ang nakuhang bangkay na nakalibing sa lupa kaninang umaga.
Malapit sa ilog sa boundary ng Purok 5 ng Brgy. Budiao at Bañadero nakuha ang naturang bangkay.
Sa panayam kay Kgwd. Mike Bajamundi, Sabado, Nobyembre 14 pa huling nakita ang magkapatid na sila Chris John at Christian Millena subalit kahapon lamang nairereport na nawawala.
Agad namang nagpadala ng mga tao para hanapin ang mga ito.
Napag-alaman na nagtatrabahong watchman sa barracks sa quarry si Christian na ito ang unang nakuha.
Samantala, naniniwala rin ang malapit na kaibigan ni Christian na si alyas “Buddy” sa posibilidad ng foul play sa insidente.
Napag-alaman na Sabadong gabi ng makipag-inuman pa ito sa Brgy. Salvacion habang ang kapatid na si Chris John ang sumundo dito.