Binawian ng buhay ang Korean producing director na si Lee Joo Hyung sa edad na 35-anyos.

Ayon sa employer nito na Coupang Play, pauwi na sana si Lee Joo Hyung sa kanilang tahanan ng masangkot sa banggaan ang sinasakyan nitong taxi noong Agosto 22.

Nagtamo ng matinding injuries ang naturang producer na idineklarang dead on the spot.

Kaugnay nito ay agad naman na nagpaabot ng pakikiramay ang mga nakatrabaho ni Lee Joo Hyung sa industriya ng showbiz.