HONG KONG – Isa pang Pilipino sa Hong Kong ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa pahayag ng Philippine Consulate General sa Hong Kong, nabatid na umakyat na sa pito ang mga Pilipino sa lugar na COVID-19 positive patients.

Sumasailalim na rin umano ang mga ito sa treatment sa iba’t ibang pagamutan sa Hong Kong.

Tiniyak naman ng Konsulada ng bansa ang pagbibigay ng mga kaukulang tulong.

Abiso pa ang patuloy na pagsunod sa mga tagubilin ng Hong Kong Health Department upang makaiwas sa pagkahawa sa naturang virus.