LEGAZPI CITY-Pansamantalang hininto ng Senate Impeachment Court ang opisyal na livestreaming ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Biyernes, Oktubre 9, 2026.
Ito ay matapos na mag-raise ng concern ang iprenesentang testigo na si Bureau of Internal Revenue (BIR) Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez tungkol sa privacy ng ilang opisyal ng ahensya kanilang ahensya.
Nangamba si Garcia-Marquez nang ma-flash sa mga screen sa loob ng impeachment court ang mga sensitibong personal na detalye kagaya ng mga pangalan ng mga revenue officer at examiner ng BIR na humahawak sa mga dokumento.
Ito ang dahilan kaya ipinag-utos ng impeachment court ang paghinto sa broadcast upang masuri at maiproseso ang pag-redact sa mga pribadong impormasyon alinsunod sa Data Privacy Act at mga probisyon ng Tax Code tungkol sa confidentiality.
Nagsimulang tumestigo si Garcia-Marquez sa ikalawang araw ng kaniyang pagharap sa korte kaugnay ng Article 2 ng impeachment complaint na tumutukoy sa sinasabing unexplained wealth at mga income tax return (ITR) ni VP Sara at ng kaniyang kabiyak na si Atty. Manases “Mans” Carpio.











