
LEGAZPI CITY – Inihayag ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Estados Unidos na hindi na umusad pa ang inihain na impeachment complaint laban kay US President Donald Trump.
Ayon kay Bombo International News Correspondent in North Carolina Rosemarie Vasquez Wagner sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na noong oras na inihain na ang impeachment complaint ay agad naman itong tinapos at ibinasura.
Si Representative Alexandria Cortez ng New York ang umano’y nagsabi na nilabag ni Trump ang constitution and conventional war powers dahil sa hindi pagkonsulta nito sa kongreso patungkol sa planong pag-atake sa mga nuclear sites ng Iran.
Habang si Representative Al Green ng Texax na isang democrats ang aniya’y naghain ng impeachment complaint sa US House of Representatives.
Sinabi pa nito na noong magbotohan na ay dito napag-alaman na nahati ang mga democrats kung saan may mga nagkampi kay Trump at halos duwang dosena lang ang sumang-ayon na ituloy ang impeachment trial na kulang sa kinakailangang bilang para umusad ang reklamo.
Posible umanong may ibang prayoridad ang kongreso ng Estados Unidos kaya’t kadakol ang hindi pumabor na ituloy ang impeachment.
Dagdag ni Wagner na pwedeng napabilib ni Trump ang ibang democrats kaya’t may mga bomotong hindi pabor sa complaint.