LEGAZPI CITY – Nadagdagan pa ang gintong medalya na nasungkit ng Sorsoganon athlete na si Rose Jane Barcelona sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024.

Ngayong umaga lamang ng talunin nito ang ikalawang gold medal sa triple jump.

Matatandaan na kahapon ay naibulsa rin ni Rose Jane ang una nitong gintong medalya sa long jump sa elementary level.

Dahil dito ay proud naman ang buong delegasyon ng Bicol region lalo na ang mga kasamahan nito mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Nabatid na matinding training ang pinagdaanan ng naturang atleta bago naabot ang naturang tagumpay.