LEGAZPI CITY- Ikinadismaya ng grupo ng mga mangigisda ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagpapaluwag sa proseso ng importasyon ng mga agricultural products.

Ayon kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas President Pando Hicap sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi napapanahon ang naturang kautusan lalo pa an maraming mga magsasaka at maliliit na mangingisda sa bansa ang matinding naapektuhan ng El Niño.

Ang liberalisasyon sa pag-aangkat ng mga agricultural products ay tila pagpatay umano ng pamahalaan sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Paliwanag nito na hindi kayang makipag sabayan ng Pilipinas sa mga malalaking bansa dahil hanggang sa ngayon ay atrasado pa rin ang agrikultura sa bansa. Dagdag pa nito na tanging ang mayayamang mga bansa lamang ang makikinabang sa kautusan ng pangulo.

Ayon pa kay Hicap na isang kasinungalingan na ang pag-aangat ang magpapababa sa presyo ng mga agricultural products dahil napatunyan na sa nakalipas na mga taon na hindi ito epektibo, bagkus ay nagpapahirap lamang sa mga Pilipino.

Ang pagtanggal umano sa non-tariff barriers sa importasyon ay magpapalugmok lamang sa ekonomiya dahil lalamunin ng international corporation ang kontrol sa ekonomiya ng bansa.