LEGAZPI CITY-Posibleng tumagal umano ng hanggang dalawang buwan ang patuloy na tensyon sa Middle East na kinasasangkutan ng United States, Israel, at Iran, ayon sa pagtataya ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay DFA Assistant Secretary Germinia Aguilar-Usudan ng Office of Middle East and African Affairs, inaasahang magtatagal ang sigalot ng tinatayang apat hanggang walong linggo.

Paliwanag niya na may mga indikasyon na patuloy na nagpapadala ng karagdagang mga rocket ang United States patungong Iran, habang may ulat din na nais umanong magkaroon ng impluwensya si US Pres. Donald Trump kung sino ang maaaring maging susunod na lider ng Iran.

Sa gitna nito, nananatiling nakabantay ang pamahalaan ng Pilipinas sa sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) apektado ng kaguluhan sa Middle East.