LEGAZPI CITY- Nakiisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa bansang Morocco.

Ayon kay Bombo International Correspondent Gina Campo na isang Filipino leader sa naturang bansa na maraming mga mamamayan ang sinasamantala ang naturang okasyon upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nabatid na karaniwan sa naturang bansa ang pagkakaroon ng family gatherings kasabay ng Eid’l Fitr.

Aniya, hindi lamang mga Pilipino ang nakiisa sa selebrasyon kundi maging ang iba pang mga dayuhan na nananatili sa Morocco.

Isinalarawan naman ni Campo ang mga Moroccans na kapareho ng mga Pilipino na accomodating sa ibang tao na kahit pa iba ang paniniwala ng mga ito.

Dagdag pa nito na ang mga Muslims sa naturang bansa ay mapagbigay lalo na kung naghahanda ng pagkain ang mga ito.