LEGAZPI CITY—Natagpuan ang isang babaeng fetus ang natagpuan sa loob ng pampublikong palikuran ng isang terminal sa Barangay Sulucan, East District, Sorsogon City.


Ayon kay Sorsogon Police Provincial Office Public Information Officer Police Major Arwin Destacamento, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, natagpuan ang fetus ng isang ladyguard sa loob ng nasabing palikuran.


Aniya na nakita umano ang fetus na nakabalot sa isang kumot.


Agad na ini-report sa Sorsogon City Police Station ang insidente para sa imbestigasyon gayundin ang paghingi ng tulong sa Sorsogon Provincial Forensic Unit (PFU) upang matukoy kung sino ang salarin.


Dagdag pa ni Destacamento na nagsasagawa na rin ng back-tracking ang mga awtoridad mula sa mga kuhang CCTV footage sa lugar upang makilala ang indibidwal na sangkot dito.


Umapela din ang opisyal sa sinumang gumawa nito na pumunta sa kanilang tanggapan upang malinawan at malaman ang dahilan kung bakit niya ito ginawa.