The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) announced that Volcano Mayon has been experiencing effusive eruption and minor strombolian activities for 63 consecutive days.

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang Bulkang Mayon ay nakakaranas ng effusive eruption at minor strombolian activities sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, itinuturing nilang “consistent” ang bulkan sa mga aktibidad nito na angkop kasalukuyang alert level status nito na level 3.

Ipinaliwanag niya na ang mga strombolian activities ay maiikling pagsabog na dulot ng volcanic gas na humihiwalay mula sa magma na maaaring magdulot ng glowing lava fragments at ash plumes habang tumatagal ito nang halos minuto.

Hindi rin nila isinasantabi ang posibilidad ng isang major eruption o malakas na pagsabog ng Bulkang Mayon at handa silang itaas ito sa alert level 4 kung mayroong malinaw na indikasyon na magkakaroon ito ng mapanganib na pagsabog sa mga susunod na araw.

Ipinaalala rin ni Bacolcol na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6KM permanent danger zone ng Bulkang Mayon dahil sa banta ng lava flow, rock flows, sulfur dioxide emission at pyroclastic density current o uson.