
Sinuspinde ng Land Transportation Office ng 90 araw ang lisensya ng isang bus driver na nagsusugal online habang nagmamaneho sa Cavite.
Nakunan ng video ang aktibidad ng driver.
Ayon sa LTO, haharap sa reklamong paglabag sa Land Transportation Traffic Code ang driver ng bus dahil sa reckless driving.
Humihingi na rin ng paliwanag ang kumpanya ng bus tungkol sa insidente.
Sinuspinde na rin ng Kersteen Joyce Transport ang nasabing bus driver.