Muling hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Justice Committee sa kaniyang impleachment case.
Nanatiling bakante ang inilaan na upuaan ng komite para sa bise presidente sa nagpapatuloy na hearing ngayong araw, April 29, 2026.
Ito na ang ika-apat na pagkakataon na hindi sumipot si VP Sara sa pagdinig, kung saan itinuturing na posibleng huling clarificatory hearing na bago ang isasagawang botohan.
Samantala, present naman sa pagdinig ang mga resource person mula sa National Bureau of Investigation (NBI).











