LEGAZPI CITY- Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang mga otoridad matapos makuryente ang isang drayber ng pampasaherong jeep sa Port District, Legazpi City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi habang minamaneho ng drayber ang kanyang pampasaherong jeep mula sa lungsod ng Legazpi papuntang Polangui Albay ay nasabit umano ang nakalaylay na linya ng kuryente sa nasabing sasakyan kung saan nagresulta sa pagkakakuryente ng biktima.

Bigla namang nasunog ang jeep nito kung saan agad na nirespondehan ng mga otoridad.

Sa ngayon ay inaalam pa kung ano ang lagay ng biktima at kung may iba pa bang sakay ang naturang sasakyan.