Ash Wednesday

LEGAZPI CITY- Itinuturing ng Simbahang Katolika bilang ‘most important season’ sa buhay ng bawat isa ang panahon ng kwaresma.

Ayon kay Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kinakailangan na maging panahon ito ng pagpapatawad, paghingi ng tawad at pagbabalik tanaw sa takbo ng buhay ng isang deboto.

Binabalikan umano kung mayroon bang nagawang kabutin sa kapwa sa anumang pamamaraan.

Paliwanag nito na pamamagitan ng reconciliation ay magagawang talikuran ang mga kasalanan, na siyang magiging daan sa tunay na pagbabago.

Ang kwaresma ay ang panahon umano ng renewal ng paniniwala, mga gawain ng isang indibidwal.

Samantala, maraming mga deboto na ang nagpalagay ng abo sa kanilang mga noo ngayong Ash Wednesday sa iba’t ibang mga simbahan sa lalawigan ng Albay.