LEGAZPI CITY- Siniguro ng Department of Education Bicol na may naghihintay na cash incentives sa mga Bicolano athletes na sasabak ngayong taon sa Palarong Pambasa 2024.
Sa isinagawang Press conference sinabi ni Deped Bicol Director Gilbert Sadsad, na magkakaroon ng paglikom ng pondo na pagkukunan ng cash incentives para sa mga atleta na mag-uuwi ng medalya.
Sa ngayon hindi pa masabi ng tanggapan kung ilan ang halagang nakalaan ngunit siniguro nitong may naghihintay sa mga matagumpay na atleta.
Inaasahan naman nito na makapag-uuwi ng siguradong gold medal ang 2 atleta mula sa Masbate na sina Jewel Trangia – Girls Discus Throw at Ana Bhianca Espenilla – Girls Javelin Throw na una ng nakapag-uwi ng gintong medalya sa katatapos pa lamang na ASEAN School Games sa Vietnam.
Dagdag pa nito na malaki rin ang tyansa na makuha ng mga atletang Bicolano ang Gold medal sa larong arnis, taekwando, boxing at iba pang contact sports.
Samantala, umaasa ang ahensya na makakarating ng ligtas ang 747 full delegation ng rehiyon sa palaro na kasalukuyang nasa byahe na ang karamihan papuntang Cebu.
Ang palarong Pambasa ay nakatakdang mag umpisa ngayong July 6 at magtatapos sa July 17.