Inilabas na ng Department of Education ang DepEd Memorandum No. 32 series of 2024 na naglalaman ng Enrollment Guidelines para sa School Year 2024-2025.

Ayon sa kautusan, itinakda ang enrollment simula Hulyo 3 hanggang 26 sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ay upang magkaroon ng sapat na panahon bago ang pasukan sa darating na July 29 ng kasalukuyang taon.

Ang naturang memorandum ay nilagdaan ni Education Undersecretary Nolasco Mempin.

Matatandaan na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang napipiling bagong kalihim ng DepEd matapos ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte.