
LEGAZPI CITY-Pinagbigyan ng Ikatlong Dibisyon ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si dating Sen. Bong Revilla para sa kasong malversation na kanyang kinakaharap.
Bagama’t pinayagan makapagpiyansa, kabaligtaran nito ang sa ibang mga kapwa akusado niya na ‘denied’ ang petisyon na makapag-bail.
Isang milyon piso ng pera naman ang itinalagang halaga para makapag-piyansa ang dating senador sa kanyang kaso.
“The court granted Bong Revilla Jr.’s bail application, but denied the other accused,” sinabi ni Dennis Pulma, ang clerk of court ng Third Division.










