Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnell Ignacio na dalawang Overseas Filipino Workers ang nadamay sa sunog sa isang residential building sa Kuwait.

Nabatid na kritikal ang kondisyon ng naturang mga Pilipino sa kasalukuyan.

Nakilala ang naturang mga OFWs na sina Julio Cabrera Montemayor at Michael Dizon.

Ayon sa tanggapan na nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng naturang mga OFW at siniguro ang patuloy na pagpapaabot ng tulong para sa pangangailangan ng mga ito.