LEGAZPI CITY – Narekober ng mga otoridad ang dalawang basyo ng M203 grenade launcher na ginamit sa magkasunod na pagsabog sa main campus ng Bicol University.


Nakuha ang nasabing mga basyo sa isinagawang imbestigasyon ng mga miyembro ng PNP-EOD.


Subalit hanggang sa ngayon, hindi pa rin matukoy kung ano ang motibo o kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog sa unibersidad.
Mas hinigpitan naman ang seguridad sa institusyon maging ang mga kalapit nitong gusali dahil hindi inaalis ang posibilidad na maulit ang insidente.


Nauna ng sinabi ni PNP na maaring mga rebeldeng NPA ang nasa likod ng pagpapasabog na layuning magdala ng takot sa publiko ngayong papalapit na ang eleksyon.