LEGAZPI CITY-Nakapagtala ang Department of Agriculture-Bicol ng mahigit ₱44 milyon na pinsala sa mga pananim gaya ng palay at iba pa dahil sa mga nakaraang sama ng panahon.

Ayon kay DA-Bicol Spokesperson Lovella Guarin, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na nakapagtala ng mahigit P39 milyon na halaga ng pinsala sa bigas sa Albay at Camarines Sur.

Sa lalawigan ng Albay ay halos P26 milyon ang pinsala sa 135 magsasaka at 1660 na ektarya.

Samantala, sa lalawigan ng Camarines Sur, P13 milyon ang pinsala sa 272 magsasaka at 1200 ektarya.


Patuloy din ang pagbabantay at pag-validate ng LGU sa mga pinsala at pinapayuhan ang mga magsasaka na iseguro ang kanilang insurance ng mga pananim.

Naapektuhan din ang mga pananim ng Mais, na may P2.8 milyon ang pinsala, mga high value crops na mahigit P438,000, webstock at poultry na may P178,000 at palaisdaan na may halagang P772,000.

Hindi aniya mabibigyan ng tulong ang mga apektadong magsasaka dahil sa kakulangan ng buffer stocks ngunit maaari silang humingi sa ahensya ng mga pamalit sa kanilang mga nasirang pananim.

Ang mga indibidwal na magsasaka ay pinapayuhan din na sumali sa mga asosasyon at kooperatiba alinsunod sa Farm and Fisheries Clustering ng ahensya.