LEGAZPI CITY – Nadagdagan ng 31 panibagong nagpositibo sa COVID-19 an Bicol.

Kaugnay nito, umakyat na sa 3,141 ang kabuuang bilang ng mga nakumpirmang kaso subalit 468 ang aktibo.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol, tatlo sa mga bagong kaso ang mula sa Albay kung saan dalawa sa lungsod ng Legazpi at isa sa Daraga.

Nasa 11 naman ang mula sa Camarines Sur, 14 sa Masbate at tatlo sa Sorsogon.

Naitala naman ang 12 panibagong naka-recover kaya’t umakyat na sa 2, 532.

Nananatili naman sa 141 ang mga COVID-19 deaths.