LEGAZPI CITY – Naka-heightened alert na ngayon ang Coast Guard Station Albay bilang paghahanda sa pinangangambahang sama ng panahon.

Ginawa ng tanggapan ang naturang hakbang bilang precautionary step upang matiyak na 100% na handa kung sakaling lumala ang sitwasyon.

Naghahanda na rin ang Deployable Response Team ng mga kagamitan na gagamitin sa posibleng deployment.

Tiniyak din ng Coast Guard Station Albay ang pagbibigay ng tulong at pagresponde kung sakaling magkaroon ng impact o epekto ang sama ng panahon sa lalawigan.

Inabisuhan din ang mga mangingisda maging ang mga residenteng nakatira sa mga coastal barangays na mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras.