Inaabangan ngayon ng mga fans kung magkakatotoo ang ilang ulat na magtatanghal ang singer na si Celine Dion sa Olympic Games 2024 sa Paris.

Lumabas kasi sa ilang mga reports na maaaring magkaroon ng stage comeback ang singer sa naturang sporting event.

Kung sakaling magkakatotoo ay ito ang unang live performance ni Dion matapos itong ma-diagnose ng Stiff Person Syndrome noong 2022.

Ang Stiff Person Syndrome ay isang pambihirang kondisyon na nagdudulot ng progressive muscle stiffness.

Samantala, ibinahagi naman ni Dion sa kaniyang Instagram posts na kasalukuyan na itong nasa Paris.