LEGAZPI CITY—Isinusulong ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes na sumali sa Guinness World Records para sa produkto nilang abaca.
Ayon kay Catanduanes Governor Patrick Alain Azanza, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagkaroon na sila ng mga pagpupulong at konsultasyon sa tanggapan ng Guinness World Records kung saan nakalista ang ilang alternatibo na maaaring maging record ng kanilang produkto.
Aniya kabilang dito ang pinakamaraming kilo ng na-strip na abaca o ang pinakamaraming naitanim sa isang araw.
Dagdag ng opisyal na handa rin sila para sa naaangkop na badyet para dito.
Ayon kay Azanza na hindi lamang ito bilang pakikilahok kung saan kabilang mga abacalero kundi mayroon din itong benepisyong pang-ekonomiya para sa kanila.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa nila ang tugon ng nasabing tanggapan para sa posibleng iskedyul ng aktibidad.
Tiwala rin ang gobernador na kakayaning ng kanilang lalawigan na makuha ang nasabing world record.











