The Sorsogon Provincial Tourism Office confirmed the information circulating regarding the installation of cable cars near Bulusan Lake.

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Sorsogon Provincial Tourism Office ang kumakalat na impormasyon hinggil sa pagkakabit ng mga cable cars malapit sa Bulusan lake.

Ayon kay Sorsogon Provincial Tourism Officer Bobby Gigantone sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, bahagi ito ng strategic direction ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng re-development program ng kanilang turismo.

Batay rin ang plano sa isinagawang monitoring at evaluation ng kanilang gobernador sa mga tourism sites at pagsasagawa ng focus group discussions dahil sa pagnanais na ma-upgrade ang tourism activity ng lalawigan.

Ang mga cable car umano ay ilalagay sa Bulusan para sa karagdagang mga pasilidad upang ang mga bumibisitang turista ay masiyahan sa 360 degrees na tanawin ng lawa.

Sinabi ni Gigantone na kung ito ay maipatupad, ito ay isa sa mas kaakit-akit sa mga turista na bumisita sa kanilang lalawigan at samantalahin ang bagong aktibidad.

Kabilang sa kanilang pinag-aaralan tungkol sa nasabing plano ay ang business at marketing strategy at ang pangangailangang pagbutihin upang mapakinabangan at ma-enjoy ang negosyong kanilang iaalok na makatutulong sa pagtaas ng pagdating ng mga turista sa lalawigan.

Kung ang opisyal umano ang tatanungin, hindi imposibleng maisakatuparan ang plano sa lalawigan dahil magkakaroon din sila ng rapid site assessment para malaman ang epekto nito sa turismo at maging kapaligiran.

Binigyang-diin ni Gigantone na tatanggapin nila ito bilang welcome development na nakakapansin sa turismo ng lalawigan at kailangang i-upgrade na makakatulong din sa re-branding na tatangkilikin ng mga local, domestic at foreign tourists.