LEGAZPI CITY- Naghain na reklamong qualified trafficking ang Presidential Anti-Organized Crime Commission at Philippine National Police laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pang indibidwal.

May kinalaman ito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Batay sa reklamo, tinukoy si Guo bilang si Guo Hua Ping.

Hanggang sa kasalukuyan kasi ay patuloy na kinu-kuwestyon ang nationality ni Guo batay sa pagsisiyasat ng Senado.

Samantala, patuloy naman na itinatanggi ng kampo ni Guo ang pagkakasangkot nito sa iligal na operasyon ng POGO.