Tuluyan ng umatras si US president Joe Biden sa re-election bid nito.

Ito ay kasunod ng ilang linggong panawagan ng mga kapwa niya Democrats na umatras na ito sa kampanya matapos mawalan ng kumpiyansa sa kakayanan nitong matalo ang katunggali na si Donald Trump.

“It has been the greatest honor of my life to serve as your President. And while it has been my intention to seek reelection, I believe it is in the best interest of my party and the country for me to stand down and to focus solely on fulfilling my duties as President for the remainder of my term.” saad ni Biden sa social media post nito.

Matatandaan na marami ang kumu-kwesyon sa abilidad ng 81-anyos na si Biden na pamunuan ang bansa sa loob ng isa pang termino dahil sa edad nito.

Ang pasya ni Biden ay ginawa ilang buwan na lamang bago ang US presidential elections.