The Philippine Coast Guard recorded that more than 11,000 passengers arrived at ports across the Bicol region during the observance of Maundy Thursday.

LEGAZPI CITY – Naitala ng Philippine Coast Guard na mahigit 11,000 pasahero ang dumating sa mga pantalan sa buong rehiyon ng Bicol sa pag-obserba ng Huwebes Santo.

Ayon kay Philippine Coast Guard District Bicol Spokersperson Coast Guard Lieutenant Junior Grade Alyzza Novie Bermal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang nasabing bilang ay binubuo ng mga outbound and inbound passengers.

Ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero ay kanilang naitala sa Matnog Port sa lalawigan ng Sorsogon habang wala silang naitala na mga stranded na pasahero dahil sa magandang panahon at sapat na bilang ng mga sasakyang pandagat.

Batay sa kanilang monitoring, mas marami ang mga pasahero ngayong Semana Santa 2026 kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon sa kabila ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at mga bilihin.

Sinabi rin ng opisyal na mahigit 600 tauhan ng Coast Guard ang naka-deploy sa ground upang ipatupad ang peace and order hindi lamang sa pantalan kundi pati na rin sa mga katubigan ng rehiyon.

Mahigpit na ipinaalala ni Bermal sa mga pasahero na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga ilegal na bagay tulad ng matutulis na bagay at palaging magdala ng kumpletong mga travel documents upang maiwasan ang mga pagkaantala.