Panibagong pasanin na naman ang maaring maranasan ng mga motorista sa susunod na linggo.

Inaasahan kasi ang pagpapatupad ng big time oil price hike sa Martes.

Batay sa unang tatlong araw ng trading ay tinatayang nasa P2.37 kada litro ang taas presyo sa diesel.

Nasa P2.21 naman kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina at P2.48 sa presyo ng kerosene.

Tinitingnan na ang paggalaw ng presyuhan sa produktong petrolyo ay dulot pa rin ng kaguluhan sa Middle East at pagsipa ng presyo ng imported fuels.