LEGAZPI CITY- Maganda ang performance na ipinapakita ng mga atleta ng Bicol sa Junior Division sa nagpapatulyo na Private Schools Athletic Association.

Kabilang sa mga humakot ng medalya ang gymnastics team, archery, taekwondo at athletics.

Ayon kay Private Schools Athletic Association Bicol delegation Executive Director Roel Rosales sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang iba kasi sa naturang mga atleta ay kagagaling pa lamang sa Palarong Pambansa 2024 na ginanap sa Cebu.

Masaya naman ang opisyal na nalagpasan ng mga atleta ang kanilang expectations.

Nakitang advantage ng opisyal ang pagigin pamilyar ng mga delagdo sa playing venues.

Samantala sa bahagi naman ng Senior Division ay namamayagpag par ain ang ilang malalaking rehiyon na tumutok umano sa pagpapalakas sa race events tulad ng swimming at athletics.