LEGAZPI CITY – Pinagmamalaki ngayon ng Department of Education Bicol ang mga nakuhang parangal ng delegasyon sa awarding ceremony ng 2024 National Festival of Talents (NFOT) sa City of Naga, Cebu.
Ayon sa DepEd Bicol, nasungkit ni Edjayson E. Orbeta ng Palapas National High School, Ligao City Division sa tulong ng kanyang adviser na si Precious Joy P. Bello ang 1st Runner-Up sa Storytelling in Braille Reading.
Samantala, nakamit naman ni John Vincent Valencia ng Goa Central School , Camarines Sur Division ang 1st Runner-Up sa Read-A-Thon (Story Retelling) katuwang ang adviser na si Jhonna Marie S. delos Santos.
Dinagdagan pa ito ni Mariam Shane H. Celo matapos makuha ang 1st Runner-Up sa Foreign Language Writing Skills Contest (Chinese Mandarin) sa gabay naman ni Marjun O. Adan bilang adviser.
Kaugnay ng naturang tagumpay ay nagpahayag ng pagbati at kasiyahan ang kagawaran ng edukasyon sa rehiyon sa pagpapakita ng talento ng mga Bicolano.
Ginanap ang closing at awarding ceremony ng NFOT ngayong umaga na may temang “Galing, Talino, at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng MATATAG na Adhika”