LEGAZPI CITY- Tumama ang magnitude 2.8 na lindol sa lalawigan ng Masbate bandang alas-08:26 ng gabi.

Sentro ng naturang pagyanig ang bayan ng Batuan.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na may lalim itong 112 km at tectonic ang pinagmulan.

Kaugnay nito ay wala namang inaasahan na anumang pinsala sa naturang lugar.

Hindi rin magdudulot ng anumang aftershocks ang naturang pagyanig.