LEGAZPI CITY – Inararo ng isang truck ang isang bahay sa gilid ng kalsada sa Barangay San Isidro, Castilla, Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Castilla Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Edgar Ardales Jr., posibleng nawalan ng kontrol ang driver matapos na pumutok ang isa sa mga gulong ng truck.

Dito na nagtuloy-tuloy ang takbo ng naturang sasakyang hanggang sa bumangga sa isang bahay at tumagilid.

Malaking pasalamat naman ni Ardales na walang nasaktan sa naturang insidente.

Aniya ito na ang ika-pitong aksidente sa kalsada na naitala sa bayan ngayong taon lang.

Abiso ni Ardales, na suriin muna ang sasakyan bago bumiyahe at ugaliin ang pag-doble ingat upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada.