LEGAZPI CITY – Patay ang isang lalaki habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pa matapos mauwi ang away ng magkaibagan sa pananaksak sa Peñaranda Park sa ciudad kan Legazpi.

Nangyari nito sa ikalawang araw ng selebrasyon ng Magayon Festival sa lungod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi PEMS Joseph Herbert Aringo, Criminal investigation – Police Non-Commissioned Officer ng Legazpi City Police Station, napag-alaman na habang naglalakad ang biktima ay bigla na lang itong sinaksak sa likod ng suspek ng dalang patalim at saka tumakbo sa itaas na bahagi ng Peñaranda park.

Hinabol ito ng biktima at dinampot ang isang patalim sa stall na tindahan at ng maabutan ang suspek ay sinaksak din kung saan hindi na nakuhang makatakbo pa.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at dinala ang dalawa sa ospital subalit ideneklara ng doktor na dead on arrival ang biktima habang nananatiling unconsious an suspek.

Batay sa imbestigasyon ay dati ng may record sa police ang magkaibigan dahil sa personal na away kaugnay sa malakas na pagpapatugtog ng biktima na nakakaistorbo umano na sa suspek kung saan una na itong nagkaroon ng pagbabanta.

Ayon kay Aringo, hinihintay na lang ang kalive in partner at pamilya ng biktima na maghain ng reklamo kung saan pwedeng makasuhan na murder ang naturang suspek.