LEGAZPI CITY – Nagluluksa ngayon hindi lang ang pamilya kund maging ang kapulisan sa namatay na apat na indibidwal matapos na maaksidente sa Barangay San Isidro Ilawod, Malilipot, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCMS Ryan Bonafe, Chief Investigator ng Malilipot Municipal Police Station, bandang alas-10:00 ng gabi ng mangyari ang aksidente na kinasangkutan ng dalawang motorsiklo.
Napag-alaman na pauwi na sana sa Datag Sta. Teresa, Malilipot galing sa Tabaco City ang driver ng suzuki smash na si Niko Garcia, 29-anyos backride sina Ralph Bilaos, 33-anyos at Christian Lucena ng biglang kainin ang kabilang linya.
Dito nakabanggaan ang rusi motorcycle na minamaneho ni Stephen Tatel na papauwi na sana sa Barangay Tayhi, Tabaco City.
Ayon kay Bonafe, posibleng mabilis ang patakbo ng mga driver dahil sa sinapit na pinsala ng mga sasakyan.
Samantala, nadala pa sa ospital ang apat na biktima subalit hindi na nakuhang mailigtas pa dahil lahat ay binawian buhay matapos lang ang ilang oras.