
Naninindigan ang whistle-blower at state witness na si Julie “Totoy” Patidongan sa kanyang mga alegasyon laban kay Retired PGen. Jonnel Estomo na hindi siya gagawa ng public apology sa pagkakasangkot ni Atong Ang kaugnay ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Patidongan, hindi siya hihingi ng tawad kay Estomo at sinabing titigil na siya sa pagtatanggi na sangkot siya.
Plano ni Patidongan na pangalanan si Estomo at ang mga umano’y miyembro ng Alpha group sa isang affidavit na plano niyang ihain sa susunod na linggo.
Nauna nang kinumpirma ni Estomo na magsasampa din siya ng kaso kung kasama ang kanyang pangalan sa affidavit.